Isa sa mga pinakamalaking isyu sa Pilipinas ang pagsasanay ng mga kumpanya ng kontraktwalisasyon, ilan sa mga kabilang na kompanya ay ang Jollibee, PLDT at NutriAsia. Kaakibat nito ay tunay ngang masasabi natin na laganap na ang kontraktwalisasyon sa ating bansa. Ang kontraktwalisasyon ay isang kontra-mangagawang sistema na nagkakait ng karapatang maging "regular" sa isang posisyon ang isang manggagawa. Para sa karamihan ito ay hindi tama sapagkat ginagawa itong iskima ng mga kompanya na nagtatanggal sa mga karapatan ng kanilang mga empleyado at manggagawa tulad na lamang ng mataas na sahod at iba pang mga benepisyo na itinakda ng batas. Isa sa mga dahilan ng mga kompanyang pabor sa kontraktwalisasyon ay upang mapanatili nilang mataas ang kanilang kinikita. Madalas, iilang buwan lamang nila hahayaan magtrabaho ang mga emplayadong ito bago nila tanggalin o alisin sa trabaho. Ito'y nagbunsod ng sunod sunod na rally at kaguluhan sa pagitan ng mga natanggal na empleyado, mga pulis, at sa mga kumpanyang naging sanhi ng lahat ng ito. Ang pambabatikos ng mga empleyado gamit ang wikang Filipino ay mas nakakatulong sa kanila na mas maipahayag ang kanilang damdamin. Ito' y naging susi sa pagbubukas ng mata ng maraming kabataan. Ang pagrarally ng mga Pilipino gamit na rin ang wikang Filipino ay nagpapakita rin ng pagkakaisa natin.
Ang kontraktwalisasyon sa Pilipinas ay may dalawang mukha. Para sa mga manggagawa ito'y nakakasama ngunit para sa mga kompanya ito'y linya sa pag-unlad. Ang dalawang pananaw na ito ng magkabilang panig ay lubos ngang mahirap husgahan lalo na't wala tayo sa kanilang kalagayan. Hindi natin alam ang dahilan kung bakit halos isumpa ng mga nagraraling manggagawa ang mga kompanyang may pagsasanay ng kontraktwalisasyon. Wala tayong ideya sa kung gaano nga ba talaga kahirap ang kanilang pamumuhay. Base nga sa aking artikulong nabasa karamihan pa sa mga manggagawang ito ay nasa minimum wage lamang ang sahod at wala pang benepisyong natatanggap katulad ng mga construction workers.
Diba sino nga bang manggagawa ang matutuwa? Hindi nasusuklian ng tama ang kanilang ginagawa at malaking posibilidad pa na ito'y mawala sa kanila. Nakita nyo na! Kung gaanong pagtitiis ang ginagawa nila sa bagay na hindi naman kayang suklian ang kanilang paghihirap. Wala rin naman kasi silang ibang magagawa. Wala silang ibang mas mapipili pang mas makabubuti. Ganito nga talaga siguro kahirap ang mamuhay sa bansang Pilipinas. Isama mo pa ang mga kompanyang nagsusulong ng kontraktwalisasyon na lalong nagpapahirap sa mga manggagawa. Hindi man lang ba nila naisip? Hindi man lang ba nila napansin? Sila ang mas nakakaangat ngunit bakit mas gusto pa nilang mas umangat pa? Hindi sila tumatanaw sa baba kung saan maraming kapwa nating Pilipino ang kanilang natatapakan.
Gustuhin man natin magalit sa mga kumpanya dahil sa maling pamamalakad subalit hindi naman din natin pwede isisi sakanila ang kakulangan ng edukasyon ng mga manggagawa. Kaya't hanggang dun nalang nalang ang paggamit ng mga kumpanya sa mga nasabing manggagawa upang makalikom ng yaman. Alam naman ng bawat isa sa atin na walang sapat na edukasyong natanggap ang mga manggagawang ito kaya't kahit maghangad sila ng mataas na trabaho at posisyon sa trabaho ay malabo it mangyari. Ang pagtatapos ng pag-aaral ay isang requirement para matanggap sa isang kumpanya. Samakatuwid, isang sanhi ng pagkakaroon ng Kontraktwalisyon sa ating bansa ay ang kakulangan ng edukasyon. Edukasyon ang maituturing na yaman ng isang tao. Ngunit marami sa atin ang hindi nakakatamasa nito dahil na rin sa kahirapan. Kaya't kuntento na sila sa ganong trabaho, maghangad man sila ng mas mataas , wala naman silang kakayahan. Bawat problema naman ay may kaakibat na solusyon, isang solusyon sa problemang ito ay ang pagsiskap ng mga Pilipino na makapagtapos ng pag-aaral upang hindi sila nahihirapan sa paghahanap ng magandang trabaho. Ngunit kailangan din syempre ng tulong galing sa gobyerno gaya ng paglalaan ng pondo para sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga taong gusto makapagtapos ng pag-aaral. Sa ganitong pamamaraan ay maaaring mabawasan o maiwasan ang ganitong mga isyu ng lipunan.
Bilang isang estudyanteng nasa disiplinang Managerial Accounting, malaki ang magiging epekto ng kontraktwalisasyon sa mga transaksyon namin sa hinaharap dahil maaaring maging parte kami ng mga kumpanyang may ganitong kasanayan. Gamit ang aming mga napag-aralan at wikang Filipino bilang aming medium sa pakikipag-ugnay malaki ang aming maaaring iambag ukol dito sapagkat kami ay may kaalaman na sa isyung ito. Para sa amin, mali ang paggamit ng kontraktwalisasyon upang patakbuhin ang isang kumpanya. Binibigyan tayo ng kasiyahan ng mga produktong galing sa kompanya na kanilang pinag tatrabahuhan ngunit hindi sila sumasaya sa sahod na kanilang natatanggap. Tinatanggal ng kasanayan na ito ang pribilehiyo ng pagging isang regular na emplayado. May malaking parte ang wika upang malutas ang ganitong isyu at problema ng lipunan. Ito ang nagiging paraan natin upang ipahayag ang ating mga sariling saloobin na gusto natin ipahayag sa nakararami. Ang wika ang nagbubuklod sa mga mamamayan ng bawat bansa, ito ang dahilan ng pagkakaisa ng nila. Isang halimbawa nalang nito ang pagra-rally ng mga contractual workers, sila ay may pagkakaisa. Ito ay dahil may isang wika silang sinasalita at may iisang hangarin na nais makamtan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat natin isisi ang mga nangyayari sa atin sa mga taong nakapaligid sa atin. Lingid man sa ating kaalaman ngunit kung minsan ay nasa sarili natin ang problema. Oo, mahal ang kalidad na edukasyon sa ating bansa kaya’t karamihan sa mga Pilipino ay hindi nakakapag tapos at hirap humanap ng trabaho ngunit dapat lang natin pakatandaan na ang edukasyon ang susi upang makamtan natin ang pangarap natin at makakuha ng maganda at permanenteng trabaho. Dapat din ikonsidera ang kakayahan at ang dedikasyon ng isang tao sa kaniyang trabaho dahil dito tunay na makikita ang galing ng mga empleyado. Higit sa lahat ay wag natin kakalimutan na ang wika ay may malaking parteng ginagampanan sa ating mga sarili. Minsan ay kailangan lang talaga natin ibukas ang ating mga mata upang makita ang tunay na halaga ng wika at kung paano nito pinagyayaman hindi lang ang ating sarili kundi pati na din ang ating bansa. Gamit ang edukasyon at wika ay mas maisisigaw ng mga contractual workers ang kanilang mga saloobin at mas maipaglalaban nila ang kanilang mga karapatan.
galeng galeng
TumugonBurahin